Dude, eto na naman ako. Magdudunong-dunongan ulit sa mga bagay-bagay na nakikita ko sa ‘yo. Pagpasensyahan mo na, ikaw na lang lagi ang binabasa ko, di ko kasi masyadong nakukuha ang galawang babae. Hindi kita kilala bago nangyari ang lahat ng ‘to, but for the brief period of time that I have been observing you, I saw you transform from a man who is methodical and calculated, trying his very hard to please, into somebody who is now willing to ride with the wind- sassy, upbeat and enjoying every favor your newfound life has bared.

Madami na namang magsasabi na nag o-overthink na naman ako, na pinangungunahan ko na naman ang mga puso ‘nyo. Pero talagang ganyan lang ang mga katulad kong mga masyadong mausisa. At sasabihin ko sa ‘yo, marami din kaming ganyan, nakatambay lang dun sa isang secret group on facebook na kung tawagin ay A.A. Kailangan naming mabigyan kahulugan ang mga hindi namin masyadong naiintindihan dahil yun lang ang paraan upang maibsan ang pasaning dinadala ng aming mga damdamin at isipan dulot ng napakaraming katanungan na tanging panahon lamang ang magbibigay kasagutan.

Unang-una nais ko lang ipaalala na I have always maintained that what you are bringing into the table in this love tandem is true to life. Madami sa aming mga tagahanga ang nagsasabing ang lahat ng ito ay pawang aktingan lamang and that the chemistry is just onscreen. Siguro nga tama ang mga katagang yun. Minsan naiisip ko din na masyado na rin yata akong nagpapa-apekto gayung alam ko naman na showbiz lang talaga ito. Pero gayunpaman, bilang lalaki, napapansin at naiintindihan ko ang mga kilos, pananalita at maging mga mumunting pagkumpas ng pagsuyo ng kapwa ko lalaki. Hindi man sang-ayon sa akin ang lahat ng kalalakihang nakakabasa nito, alam kong marami-rami din naman ang makaka-relate dito.

You mimic.

Hindi ito yung mga galaw na kinailangan mong gawin para mag-ugnay ang mga pinapahiwatig nyo sa isa’t isa. Eto yung mga mumunting kilos, galaw, gawi, pananalita at pag-uugali na kung dati ay ginagawa mo consciously, ngayon ay lumalabas na lang ng kusa. Ang panggagaya mo ay nangangahulugang masyado ka nang engrossed sa kanya. Binibigay mo na ang iyong full attention kung kaya maging sa mga pinaka hindi halatang kilos nya, nakikita mo at subconsciously ina-attribute mo na unique ang mga ito sa kanya at kahit di mo sadya ay nakokopya mo na.

You are extra thoughtful and caring.

Sinasalo mo sya, sa mga pagkakataong alam mong vulnerable syaNatatakot kang sya ay masaktan, physically, socially and emotionally, di bale nang ikaw. Ayaw na ayaw mo na sya ay mapahiya, di bale nang ikaw. The gifts you give are well-thought out, hindi yung basta-basta lang na me maibigay ka. Pinag-aaralan mo syaInaalam mo ang mga ayaw at gusto nya. Binabatid mo ang mga bagay na alam mong magiging meaningful sa kanya pag natanggap nya. And you compromise. A whole lot. Hindi mo sya kayang suwayin. Anuman ang sabihin nya ay sinusunod mo, however absurd or whimsical they may be. Pinagbibigyan mo sya sa halos lahat ng gusto nya.

You bring meaning to chivalry.

Ayaw na ayaw mong makita syang nasasaktan. Sa mga pagkakataong pinapakita nya ang pag-aalinlangan, sinusurpotahan mo sya. Sa mga panahon na nakakaramdam sya nang lungkot, pilit mo siyang pinapasaya. You make her feel emotionally secure. Siguro dahil masaya ka pag masaya sya at nangingiti ka pag nakangiti sya. Gagawin mo ang lahat mapatawa mo lamang sya, kahit na ito pa ay nangangahulugang magmumukha kang katatawanan sa mga mata ng iba. 

You let her into your inner circle.

Ang pagpapakilala mo sa kanya sa iyong pamilya at mga malalapit na kaibigan ay ang pagpapahiwatig na karapat-dapat na sya at may karapatan na syang pumasok sa mundong iyong kinabibilangan. Ito ay nagkukumpirma na importante sya sa puso mo kung kaya sinasanay mo syang maging komportable kasama ang iba pang mga pinakaimportanteng tao sa buhay mo.

Your love language is touch.

Gustong-gusto mong palagi siyang malapit sa ‘yo. Gustong-gusto mo na lagi syang kasama. Gustong-gusto mo ang pakiramdam ng nahahawakan at nahahaplos mo ang mga kamay nya, ang buhok nya, ang mga pisngi, ang mga labi nya. Ang makayakap sya ay munting langit mo na. Ang mahalikan sya ay isang tunguhing hindi mo man minamadali ay itinuturing mong magiging katuparan ng isang napakagandang panaginip. Ang physical intimacy, kahit gaano pa ito ka inosente, ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam na hindi kailanman mapaparesan ng anu mang wikang nabibigkas o salitang naisusulat.

You are too attentive.

Ang mga lalaki, mahina sa listening skills. Madali tayong nakakalimot sa mga detalye ng mga pinag-uusapan dahil hindi tayo nakikinig. But when we truly care about a girl, we listen very intently. Ewan, dahil siguro giliw na giliw ka sa boses nya, o talagang gustong-gusto mo lang ipadama sa kanya na importante sa iyo ang mga sinasabi nya. Wala ka nang pakialam sa mga taong nakapalibot sa inyo tuwing nagsasalita sya. Ang ibang mga boses, ke galing pa yan sa presidente ng Amerika, ay buma-background pag nagsasalita na sya. Palagi ka din nakatitig. Your eyes dwell, sometimes way longer than what is appropriate, on certain features of her face and body- her eyes, her hands, her thighs- but most often her lips, isang senyales ulit na hindi mo man malay ay lagi mo itong iniisip at sa tuwing nakikita mo, you drift back to your own little happy reverie.

The tell-tale signs are there, it’s impossible to ignore them. In a crowd, the only face you see is hers. Whenever you are too close- just a breath away, you find yourself frozen in the moment.

Alam ko, lahat-lahat na sigurong emosyon nakukuha mong i-arte. Artista ka nga eh, kung di mo kayang mapaniwala ang mga manonood sayo na ang iyong mga ginagawa ay totoo, ano na ang kabuluhan ng bokasyon mo? Ngunit sadyang merong mga pahiwatig ng damdamin ang hindi kailanman madadaya. Pilit nating kinukubli ang mga ito bilang lalaki sa pag-aalanganing baka masyado na tayong mapagpahayag. Pinagtitimpi natin ang ating mga sarili- dapat tamang-tama lang, dahil pag napasobra natatakot tayong gagawing leverage yun ng babae to make it a little bit harder for us.  At aminin man natin o hindi, kahit handa tayong paghirapan ang panliligaw natin, gumagaan ang lahat ng yun kung nahihiwatig natin na ang ating sinusuyo ay may pagtingin din.

And I know you are trying your hardest, dude, I really do.

Nobody said it was going to be easy. The day you realize within yourself that this is the one you’ve been waiting for all your life, was the day you found your true self- silly, comic, goofy- far from the façade, the wall you’ve built around you all those years. You tried to stop yourself, to fight the feeling, for reasons you yourself never even understood. You tried to play your part with vivacity, but your eyes gave you away every single day. It is always in your eyes- the longing, the yearning, the void. It has always been there. You’ve been alone for so long you didn’t think you were lacking. But she came, like an angel on a cold lonely night, radiant and warm. And you were never the same again.

Whether or not this whole thing leads to a happy ever after for the both of you, nobody really knows for sure. Whether or not she reciprocates, that’s on her. What is important is that today, at this very moment, all you know is that what you feel is real.

Today, at this very moment, Alden, you did not only fell into love..

You dived in. ~ Vilo

Advertisements